Ryza L. Alforte

 Tara na sa Nueva Ecija!

Akda ni: Ryza L. Alforte

Ang lugar ng Nueva Ecija ay sikat bilang Rice Granary of the Philippines. Isa rin ito sa may magagagandang tanawin sa loob ng Central Luzon, nasa byahe ka pa lang, makikita mo na ang mga berdeng tanawin na masarap sa mata at pakiramdam. Matatanaw mo rin ang bundok Arayat na talaga namang nakakaakit sa paningin. 




Nakapaglakbay ako sa Nueva Ecija nang dahil sa Regional School Press-Conference na ginanap sa San Jose. Sa pananatili ko sa bayan ng San Jose, nakita ko ang pagiging malinis at pag aalaga ng mga lokal sa lugar, pakikipagkapwa-tao, at pagiging bukas palad ng mga mamamayan sa San Jose. 



Places Worth of Visiting ba ang hanap mo? Ano pang hinihintay mo? Tara na sa Nueva Ecija!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento