Neco James Ortega

ANG PAMUMUHAY

Iniakda ni: Neco James G. Ortega

Talisay, San Andres Quezon


Ang Barangay Talisay ay matatagpuan sa San Andres sa probinsya ng Quezon. Isang hamon sa paglalakbay upang makapunta sa lugar na ito ay ang transportasyon, sa kadahilanang mahirap makahanap ng masasakyan at mahal ang pamasahe lalo na't habal-habal lang madalas matiempuhan.

Sa aming paglalakabay mula rito sa bulacan papunta ng Talisay umabot ng labing dalawang (12) oras ang aming paglalakabay, isinama ako ng aking tiyuhin sa paglalakbay upang masilayan ko ang kanilang kinalakhan.


San Andres Arch                                    


Masaya ang naging paglalakbay at nagkaroon pa kami ng mga kasama sa aming paglalakbay, ngunit hindi pa rito nagsisimula.

Nang makarating kami sa Barangay ng Talisay sa San Andres. Maninibago ang karamihan sa maririnig na diyalekto lalo na kung hindi niyo pa alam ang dilaktong cebuano. Dahil ako ay nakakaintindi ng diyalektong cebuano hindi na mahirap sakin makipag komunikasyon sa mga taong naninirahan dito. 

Bilang isang manlalakbay iba ang nasilayan ko sa pang araw-araw na pamumuhay sa bayang ito kung para sa pinagkalakihan kong lugar. Sa bawat taong nakikita ko masiyahin at ma-kwento ang mga tao rito lalo na at bihira lang din sila makakita ng mga taga-siudad gaya ko.

Sa pang araw-araw nilang pamumuhay, pangingisda ang kanilang pangunahing hanap-buhay. Minsa'y marami ang nahuhuling isda minsan ay hindi, ngunit napansin ko na nagkakaisa ang mga mamamayan rito dahil nagbibigayan sila kung walang huli ang isa bibigyan ng meron. Ito ang nagustuhan ko sa mga mamamayan sa lugar na ito.

Talisay Beach



Ito ay ang gusto kong ibahagi sa mga mambabasa, ang ganda ng karagantan ng Talisay. Agaw pansin ang tanawin na makikita sa dalampasigan sa ganda nito ay mas gugustuhin mo pang kumuha nalang ng litrato keysa maligo.

Talisay Beach




Sa huli, sa mga gustong maranasan ang pakikisama ng mamamayan, ganda ng tanawin, at pamumuhay na meron dito. Kaya tara na sa Talisay!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento