Alyssa Noreen Sj. Dumalay

 Ang Magandang Tanawin at

 Pahingahan sa Ubihan πŸ’—

Ang Ubihan ay matatagpuan sa lugar ng Meycauayan Bulacan. 

Ayon sa mga matatanda, ang lugar na ito ay tinamnan ng maraming purple yam, kaya naman tinawag itong Ubihan. Ito ay isa sa pinakamalayong baryo ng Meycauayan. Binubuo ito ng maliliit na bahagi ng lupa at napapaligiran ng maraming pangisdaan pati na rin ng ilog.

Tuwing pumupunta kami sa lugar na ito kami ay sumasakay ng bangka para makarating sa Baryo ng Ubihan, at tumagal ito ng mga sampo hanggang labing limang minuto bago makarating sa daungan.

Halos lahat ng negosyo dito ay pamamahala sa palaisdaan, at isa sa mga palaisdaan sa Ubihan ay sa amin, pamilya ko ang namamahala kaya madalas nandito kami sa lugar na ito. Maaari rin na humuli ng mga lamang dagat upang sariwa ang ihahain sa inyo at maaaliw sa pamimingwit ng mga ito, kailangan lamang humingi ng permiso sa may ari. 

Napakaraming sariwang pagkaing dagat dito, kaya pagdating sa pagkain, kapag may selebrasyon, halos puro pagkaing dagat ang inaalok nila dahil iyon ang dinadayo ng maraming tao sa lugar na ito. Nung kami ay nagpunta naghain ang kamag-anak namin ng mga pagkaing dagat na aming paborito, masarap kumain sa aming kubo dahil mahangin at maaliwalas ang paligid.

Ang ganda ng tanawin sa lugar na ito, sa pagsikat at paglubog ng araw ako ay namamangha kapag aking nasisilayan ang pagsikat at paglubog ng araw  dahil sa gandang tanawing taglay ng lugar na ito, sa Ubihan ay may sariwang hangin, kaya nung ako ay nandito lamig na lamig ako lalo na nung nag gabi na. 

Ang payo ko sa inyo kung bibisita kayo sa lugar na ito ay magdala ng pang lamig na kasuotan dahil mahangin at hindi ka makakaramdam masyado ng init, dahil ang lugar na ito ay napapaligiran ng mga puno kaya sobrang mahangin. 

Magandang kumuha ng litrato sa lugar na ito dahil sa gandang taglay ng tanawin. 


🩷🩷



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento