Trixie A. Punsalan

                       Intramuros Manila


Sa isang ordinaryong araw, nag-ikot kami sa Intramuros, Manila kasama ang aking boyfie.Simula sa malamlam na kalsada hanggang sa bawat pader ng nakaraan, nadama ko ang nagbabalik na diwa ng kasaysayan. Kakaiba ang atmospera sa bawat kanto, parang nag-uusap ang mga pader tungkol sa mga kwento ng nakalipas.


Sa paglalakbay namin sa Intramuros, bumisita kami sa Fort Santiago, isang haligi ng kasaysayan na bumabalot sa akin ng kamangha-manghang atmospera. Ang mga matandang pader, naglalahad ng mga alaala ng nakaraan, ay nagbigay sa akin ng pagkakataong masilayan ang yaman ng kultura ng pilipinas
Ang Intramuros ay tila naging isang tanyag na destinasyon para sa mga dayuhang bisita. Nakakatuwa na karamihan sa nakita namin sa Intramuros ay ang mga dayuhan na nagpunta duon. 

Nakakalungkot na naranasan ng mga pilipino noong mga nagdaang panahon ang pagpapahirap sa kanila at madaming pilipino ang pinatay


Paglapit sa Cathedral Church, naramdaman ko ang sagradong kahalagahan nito. Ang mga matandang simbahan at sining na arkitektura 
Sa Intramuros, ang saya dahil parang naglakbay ka sa nakaraan, feel mo yung history vibes tsaka yung mga kalsada, parang time-travel! pwede ka mag-stroll nang chill, tambay sa park, tas explore ng mga kanto. Ang sayang experience na makapunta sa Intramuros, Manila




Casa Manila

Sa paglisan ko, iniwan ko ang Intramuros na puno ng mga bagay na nagbigay-buhay sa aking pag-unawa sa kasaysayan ng bansa. Ang pagbisita sa Fort Santiago, Casa de Manila, at Cathedral at ang buong Intramuros ay nagbigay sa akin ng bagong pagtingin at pagmamahal sa yaman ng kultura ng Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento