Hindi Malilimutang Putik sa Pacific View Deck ng Dingalan, Aurora
Ika-20 ng Disyembre 2023, na pinagkasunduan ng aking pamilya at kamag-anak na pumunta sa Dingalan, Aurora. Nag arkila kami ng sasakyan papunta doon, hindi naman matagal ang biyahe dahil madaling araw kami umalis mga apat na oras lang ang biyahe, pagdating namin don hindi muna kami pumunta sa pupuntahan namin nag pahinga muna at kumain para may enerhiya, pagkatapos mamahinga at kumain, napagpasiyahan namin na pumunta sa "Pacific View Deck" dahil may bagyo, maputik at madulas ang mga daan don. Pagdating namin don nakita ko na may mga sasakyan na tinatawag nilang "habal-habal", kami ay nagbayad muna para dito bago sumakay. Ako ay kinakabahan dahil mataas yung pupuntahan namin at dahil matigas ang ulo, naka puting sapatos ako, alam ko namang maputik don at madulas pero sinunod ko katigasan ng ulo ko.
|
|
Dalawang habal-habal at isang tricycle ang sinakyan namin, ang kasama ko sa habal-habal ay sila mama at kuya, nang nakasakay na kami, ako ay kapit na kapit kay mama dahil pataas yung daan. Habang umaandar ang sasakyan, napakaganda ng tanawin doon, ang daming puno, kulay berde, iba't-ibang bulaklak, yung tunog ng mga ibon, at higit sa lahat yung mga puno ng buko, kasi puro puno ng buko makikita don.
Nang makarating na kami, akala ko nandon na kami sa Pacific View Deck pero hindi pala kailangan mo pang maglakad para makarating don. Ito na yung sinasabi kong maputik at mataas kailangan dahan-dahan lang yung lakad nyo kasi maputik talaga at nakakadulas, hindi kami humihinto para magpahinga dahil gusto na nga namin makarating don, nakakita kami ng hagdan para syang scene sa K-drama, ang ganda, sinabi ko sa pinsan ko na piktyuran nya ko habang naglalakad. Pagkatapos ng piktyur-piktyur ay sa wakas nakarating na kami sa Pacific View Deck.
Bago ka umawra-awra ron ay kailangan mo muna' mag bayad ng bente pesos kada isang tao, pagtapos naming magbayad, napansin ko agad yung bundok sa ibabaw nya yung ulap na parang usok, ito na naman yung daan pababa naman sya na nakakadulas ulit, tsaka napakalinis doon, at yung sa taas na ginawa nila na kahoy pero matibay naman sya, kitang-kita yung sinasabi kong bundok tapos na sa ibabaw nya yung ulap na parang usok para kang nanood ng concert tapos naka vip ticket ka. Ang lawak nya meron pa sa gilid pwedeng pumunta don kaso nakakatakot kasi madulas nga tas mataas pa, pagtapos non nag family picture kami don sa may nakalagay na "I ๐Pacific View Deck" pagtapos non umuwi na kami ka agad dahil biglang umambon, pagkababa namin sa dahan-dahan pa rin yung lakad namin kasi pababa naman pansin ko yung puting sapatos ko hindi ko na masabi na puti yon kasi kulay putik na sya. Nang makababa na talaga kami sumakay na kami ulit don sa habal-habal, sila mama at kuya pa rin kasama ko, pagtapos non bumaba na kami sa sinasakyang habal-habal kasi pataas naman sya hindi kakayanin nung sasakyan kaya naglakad na lang kami pero malapit lang naman yung lalakarin, nang makarating na kami sa inarkilang sasakyan namin, bago sumakay nagpasalamat muna kami sa mga tao don bago umalis, sulit yung pagod. Pagtapos sa Pacific View Deck dumeretso kami sa nirentahan naming Bahay para magpahinga.
Huwag kayong magsusuot ng puting sapatos kapag pumunta kayo sa Pacific View Deck lalo na kung maulan at maputik kung ayaw ninyong maging kulay putik yan at baka madulas kayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento