Cherry Mae F. Orlina

SECRET FALLS


Isa sa magandang lugar, malinis, at worth it na napuntahan namin ng aking pamilya ay ang Secret Falls. Ang Secret Falls ay makikita sa Norzagaray, Bulacan. Maaari kayong sumakay gamit ang motor, kotse, mag renta kayo ng jeep at iba pa dahil ang lugar na ito ay tago kaya mahirap siguro kung mamamasahe kayo papunta dito. Ang oras ng byahe papuntang Norzagaray ay nasa isang oras depende pa sa panahon lalo na kung ito'y trapik. Ang Norzagaray ay may magandang falls na talagang babalik-balikan ng mga tao at swak na swak sa bulsa dahil limampung piso lang ang entrance fee at tatlong daang piso ang cottage. Mayroon itong magandang ambiance at lalo na ang tanawin na talaga namang ikaw ay marerelax ng sobra-sobra. Bagay na bagay ito para sa mainit na panahon at lalo na kapag may mga gala at okasyon na pupuntahan. 


Mayroon din itong mini pool. Talagang mag eenjoy ka dahil sulit na sulit ang bayad mo kapag pumunta ka dito. Pwedeng-pwede ang lugar na ito para sa bakasyon kasama ang pamilya, kaibigan, jowa at iba pa. Hinding-hindi ka magsisisi kapag ito'y iyong napuntahannapuntahan at babalik-balikan mo ang ganda ng tanawin at preskong hangin ng Secret Falls. At tips lang din kung may balak at nagpaplano palang kayo pumunta ay magbaon kayo ng sarili ninyong pagkain dahil may kamahalan ang mga pagkain at iba pang bilihin dito. 


 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento